Perstaym kong sumali sa L.P, pinilit kung sumali dito nang ako ay magkaron naman kahit papano ng makabuluhang aktibidad sa buhay lalo pa't isa rin sa hilig ko ang pagkuha ng mga larawan. Ang Kapal ko naman sasali-sali nalang ako ng biglaan(haha). "Makapal", ako ay nag tanong-tanong sa aking mga kaibigan kung ano ang unang pumapasok sa isip nila pag narinig nila ang salitang "Makapal". Ang unang sumagot ay nagsabing mukha daw, ang pangalawa naman ay pera "makapal na bundle daw ng pera" at ang huli ay sumagot ng libro.
Ang larawan sa itaas ay ang aking mga leksyon at makapal na ito dahil tambak na ang aking mga dapat aralin(pasaway na bata). Kaya naman nahuli ang aking post na ito dahil nga sa mga iyang nasa taas, at dapat ko pa itong ipagpatuloy sa ngayon para sa mga paghahandang gagawin ko sa aking mga examinasyon.
Post a Comment