May 2010 L-S-S adds

by Paragon Shirts | 5:01 AM in |

Sa araw-araw na napapadaan ako at napapasulyap sa telebisyon parati ko nalang naririnig ang maka LSS na kanta ng advertisement ni Manny Villar. Pati mga kabataang edad 4 anyos eh napapakanta na marinig lamang ang hudyat ng pagsimula ng patalastas sa Telebisyon. Minsan nga nagbiro pa ang isa sa aking mga kaibigan na "ano ba yan, yan na ba ang bagong national anthem natin???". Di mapagkakailang di pa man nagsimula ang opisyal na campaign period, nagsisilitawan na ang lahat ng mga "getting to know each other" adds ng mga tatakbo sa May 2010 elections.Sino nga ba ang karapat-dapat iboto?Ibabase nalang ba natin ang ating mga boto sa kung sino ang mas sikat?o sino ang mas parating naririnig na matunong "daw" na kandidato?

Gising Pilipino!

Wag kang magsawalang bahala, kinabukasan natin ang naka-taya dito. Pati na rin ang kinabukasan ng susunod na henerasyon. Mag isip tayo ng mabuti kung sino ang nararapat ilukluk sa pinaka critical na posisyon sa pagpapalakad ng ating bansa. Wag tayo maniniwala agad sa mga pangakong napapako naman. Wag tayo agad ma kumbinse na iboto ang isang kandidato,dahil sa kung ano ang apelyido o sa kung sino ang nagpalaki sa kania. Wag tayo bumoto ng  mga kandidatong di alam ang tunay na solusyon o mga nagbubulag-bulagan lamang sa sitwasyon ng ating bansa.Wag tayong bumuto ng kandidatong magiging tuta lang naman. Wag tayong magsawalang bahala, gumising na po tayo mga kuya,ate,lolo,lola,itay,inay,tito at tita...



2 Any Reactions?:

  1. Restoni on January 16, 2010 at 5:35 AM

    nice "lord high"! go! mging mlaya! paturo po ako sa blog q ha..... =)

     
  2. doctorknowjunior on January 17, 2010 at 1:20 AM

    If that's the standard, then who would we vote for? Pareho lang naman silang lahat na nagpapabango. XD

     

Infolinks In Text Ads

Makarov Tale

Neighbors


I Support

Personal Blogs - Blog Catalog Blog Directory

Mindanao Bloggers

Personal Blogs - BlogCatalog Blog Directory a diary of a young anthropologist which is his window of expression and freedom

Free Page Rank Tool Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

Blog Archive